Paano ba maging masaya?

Jogar Villanueva
3 min readMar 26, 2021

--

Tanong nating lahat ito. Sa iba’t ibang yugto ng buhay, lalo na pag nahihirapan o nagluluksa, namimilipit tayo at nagpapanggap sa pagnanais na maging masaya.

Ang totoo, hindi lang possible ang maging masaya.

Nilikha tayo para maging masaya.

©Pangea Church

Kung nahihirapan kang matagpuan ito, marito ang ilang posibleng dahilan.

A. Una, ang ituturing mong happiness, kinulong mo sa kung ano lang ang gusto mo. Di bale na kung makakapwerwisyo sa’o o sa iba. Ang paniniwala mo, pag yung gusto mo ay hindi napasayo, hindi ka magiging masaya.

Ang Bosconiang mabait, napupunta sa langit,
Ang hindi mababait napupunta sa panget!

Parang basketball ang mga lalakeng nagpapa-cute, mang — aagaw talaga para lang maka-shoot.

B. Ikalawa, hindi mo matanggap na kasama sa pakyaw ng buhay ang malungkot, masaktan at matakot. Ang pag-iyak, tinuturing mong kahinaan. Ang pagkatalo o pagkakamali, kinakahiya mo o tinatago ang kasawian, paulit-ulit mog sinusumpa. Di mo kasi alam na mahalagang sangkap sila sa tunay na kaligayahan.

Ang Pagkaka-ibigan parang “Alahas”
Kapag “Peke”, ito’y kumukupas

Mas okay na yung friendship na parang may something,
Kaysa sa relationship na parang nothing
.

C. Ikatlo, ayaw mong magtiwala at magpaakay sa buhay. Inisip mong lahat ng bagay, pwede mong pigilan o manipulahin. Ginagamit mo ang kalayaang bigay ng Diyos pero nililimitahan mo ito sa kaya mo o gusto mo. Resulta, hindi ka marunong masorpresa.

Kaysa mabuwisit ka, mahalin mo nalang ang mga bashers mo.
Kasi sila ang ebidensya na hindi ka pa artista, may mga fans ka na.

D. Ikaapat, hanap ka nang hanap ng wala sa’yo. Tingin ka nang tingin ng binigay sa iba. Kaya ‘yung binigay sa’yo, di mo makita. Kabisado mo lahat ng kulang, pangit at mali sa buhay mo, kaya ‘yung sapat, maganda at tama, hindi mo pinagpapasalamat.

Ang mabuting bosconian, “stick to one” hindi yung 3-in-1

Pag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan,
Pag yung gusto mong tao palaging nagdadahilan, tanggapin mo nalang ang katotohanan, hindi ka mahal nyan!

Balik tayo sa tanong, paano ba maging masaya?

Dalawang salita lang ang may hawak sa susi.

Magmahal ka.

Pag nagmamahal ka,ang sukatan ng kaligayahan mo, hindi lang ‘yung gusto mo kundi kung ano ang makakabuti sa mga taong minamahal mo o sa mundo.

Pag nagmamahal ka, marunong kang magsakripisyo lalo na kung ito ang paraan para ipadama ang pagmamahal.

Pag nagmamahal ka, nagtitiwala ka sa kabutihan ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay; at dahil dyan, hindi kumukupas ang kakayahan mong mamangha.

Pag nagmamahal ka, meron kang pusong mapagpasalamat kaya kahit may hamon o suliranin, masaya ka dahil damang-dama mong pinagpapala ka.

Noong nabubuhay pa siya, merong malalim na panuntunan sa buhay si Chiara Lubich. “Nothing is insignificant when it’s done out of love,” sabi niya.

Simple pero mabisang habilin na pwedeng pwede nating isabuhay. Walang bagay na maliit kung ginawa mo sa ngalan ng pag-ibig.

Baligtarin natin.

Kahit gaano kaingay o kabongga ang gingawang mo, kung sa halip na pag-ibig, ang pangunahing hangarin mo ay makilala, sumikat at purihin, itaga mo sa bato — hinding hindi ka magiging masaya.

©Just Love

Magmahal ka.

At makikita mong ang pinaka-ordinaryong araw, magiging espesyal.

Ang buhay na dating mabigat at madilim, gagaan at liliwanag.

Ang kaligayahang di mo makita-kita, katabi mo lang pala.

Magmahal ka at tiyak na magiging masaya ka!

(cf. Coach Mimo Perez, FB Post 7 March 2019)

--

--

Jogar Villanueva
Jogar Villanueva

No responses yet