Wala kang dapat patunayan sa iba

Jogar Villanueva
5 min readApr 26, 2021

--

Madalas nating marinig ang mga ito. Lalo na sa mga taong binigo ng isang pangako.

Wag kang magmukmok. Patunayan mo sa kanya — kaya mo ring humanap ng iba.”

Ganyan nga, prove them wrong.”

Ipamukha mo sa kanilang nagkamali sila sa pagtrato sa ‘yo.”

“Yung sasabihin mo sa nagbabalik mong ex… Sorry ha, hindi kasi ako kumakain ng tita-tira na lang, in English, Sorry I don’t recycle.

Mga well meaning advice. Pampalakas ng loob galing sa mga kakampi at supporters mo. Mga taong may malasakit sa ‘yo. Alam kasi nilang niloko ka, inapi o hinusgahan.

Sabi nga ni Eliana Jimenez ng Wattpad book Chase&Heart: In this world, you cannot love without getting hurt.

Tulad nung isang girl nakita yung bagong jowa ng ex-bf nya, ang sabi nya: “oyyy, kayo na pala? mag-ingat ka ha kasi kapag nagsawa yan sa akin bumabalik yan….”

Sa dahan-dahan mong pagbangon, naging pamantayan mo ang mga payong ito. Hanggang ‘di na nila ito kailangang sabihin. Ikaw mismo, ganito na ang lente sa buhay.

Patutunayan kong nagkamali ka nung iwan ako. Pagsisisihan mong pinagpalit mo ako.”

Anuman ang naabot nila, lalampasan ko. Kaya wala na silang maipagmamalaki sa ‘kin. Tingnan ko lang kung ‘di sila mamatay sa inggit!

Abangan nila ang paghihiganti ng api! Akin pa rin ang huling halakhak!”

Sa simula, madaling unawain. Lalo na kung sobra kang nasaktan. Pero sa paglipas ng panahon, maunawaan mo sanang ang negatibong emosyon, uuwi at uuwi sa negatibong disposisyon. Mapanganib ang ganitong pananaw. Bakit?

Una, hindi ka masaya.

Paano kang magiging masaya kung awa sa sarili at galit ang puhunan mo? Payag ka bang gugulin ang buhay mo sa paghihiganti? Kahit magtagumpay ka, ‘yung “huling halakhak” mo, panlabas lang. Pag mag-isa ka na, malungkot ka pa rin.

Mas maganda sigurong dialogue ay:

“I love you, but I’m done chasing you” (Mahal kita, pero tapos na akong maghabol sa iyo)

Ikalawa, sinakripisyo mo ang mas mahahalagang bagay sa buhay mo.

Dahil determinado kang patunayan na mali siya o sila, nadamay pati ibang relasyon mo. Dahil sa sandamakmak na negative energy na bitbit mo, apektado ang kalusugan mo. At dahil sa pagtanggi mong magpatawad, pati relasyon mo sa Diyos, sinantabi mo.

Kumbaga sa sasakyan, maruming krudo kasi ang nilagay mo. Tatakbo nga pero maitim ang usok. Nakakasira sa makina, nakakalason sa paligid. Titirik din banda banda riyan.

Sa exams natin pag tama ang sagot sa testpaper nilalagyan nating ng CHECK at pag mali nilalagyan natin ng EX… Kaya wag kang magtaka kung bakit EX ang tawag sa dati mong karelasyon… Dahil ang EX aminin man natin o hindi ay isang pagkakamali.

Bakit ka mananatili sa isang pagkakamali, kung may kakayahan ka naman na ito ay itama?

At ikatlo, nilagay mo pa rin sa huli ang sarili mo.

Kung meron ka kasing patutunayan, dapat sa sarili mo, hindi sa ibang tao. Dahil kung siya o sila pa rin ang rason ng mga pagsisikap mo, ibig sabihin, sila pa rin ang inuna mo. Malinaw na nasa ilalim ka pa rin ng kapangyarihan ng masakit mong kahapon.

Ang mga pick-up line mo noon: Babe, bakit ngayon lang kita nakilala, pero ngayon: Leche, bakit pa kasi kita nakilala e.

Ang masaklap nito, pano kung ‘yung taong gusto mong magsisi at manghinayang, hindi naman affected kung naka-move on ka? ‘Yung gusto mong magulat o mapahiya, dinedma ka lang? Walang namatay sa inggit. Pano ‘yan, api ka na noon, api pa rin ngayon?

Kasi ang puso madaling turuan, pero mahirap utusan

Tiyak, ‘yung closure na inaasam mo, kumbaga sa sugat, lalong bumukas, lalong nagnaknak. Hanggang sa dulo ng “tagumpay” mo, biktima pa rin ang peg mo.

Payong BOSCONIAN.

Pagkatapos mong magluksa sa malungkot na kahapon, bumangon ka para sa sarili mo, ‘wag para sa mga tao o karanasang nagpabagsak sa ‘yo.

Mas kahanga hanga pa yung maldita keysa sa mga santa-santita

Payong BOSCONIAN.

Ang paghugutan mo ng lakas, hindi ‘yung walang kasing-lalim mong sama ng loob kundi ‘yung walang kupas na pagmamahal ng Diyos.

Hindi yung sinabihan ka lang na maganda , lumaki na ang ulo? Ito naman binibiro ka lang, sineseryoso mo naman!

You are God’s beloved, no buts, no if’s, no excuses.

Payong BOSCONIAN.

Ang lakas at panahon mo, ‘wag mo nang ipuhunan sa taong di ka binigyan ng importansya kundi ibaling mo sa mga taong mula noon hanggang ngayon, ‘di ka iniiwan.

Sabi ni boy sa ex nyang dahil hindi makamove-on kung ano-anong kwentong ang ginagawa para siraan sya:

Hoy, ex, bago mo ikalat na ikaw ang nagloko at hindi ako, tanungin mo muna ako kung kelan kita sineryoso.p

Kaya dun tayo sa mga kaibigan nating kahit magugulo, at least totoo.

Payong BOSCONIAN.

Ang bawiin mo, hindi ang pagpapahalaga ng sinuman sa mundo kundi ang pagpapahalaga mo sa sarili mo. Ang importante, sa harap ng Diyos, palagi kang mahalaga.

Face the fact na no one will ever understand kung gaano ka nasktan. Ikaw kasi ang nakaranas at hindi sila. But God knows everything about you. Kahit gaano ka man nasaktan, nawasak, napahiya, minaliit, kinaliwa, sa mata ng Diyos you are always worthy of love.

Pag dumating na sa panahon na matatanggap mong Mahal ka ng Diyos
maging masaya ka uli, tiyak masaya ka talaga. Hindi dahil me napahiya o nainggit o nagsising ibang tao. Kundi dahil nabawi mo ang mabuti at magandang sarili mo.

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan. Nagyon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo lang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nagyayari sa’yo, kundi IKAW mismo.

Pag natanggap mo yan at you start to make your self better, magiging masaya ka dahil lumaya ka at lumalim.

Dahil di ka binitawan ng pagmamahal ng Diyos.

Dahil dumating ka sa punto ng buhay mo na wala ka nang kailangang patunayan sa iba

Ang pinaka masarap ng ganti ay ang patunayan kong kaya ko at kakayanin ko para sa sarili ko, hindi para sa inyo na sinaktan lang ako.

BOSCONIANS prove things to themselves and not to others.

(source: https://bit.ly/3aFJnoo)

--

--

Jogar Villanueva
Jogar Villanueva

No responses yet